Kung iisipin at babasahin ang pamagat, simple lang ang ibig sabihin, “hiram”, parang panghihiram lang ng gamit ang ibig sabihin. O kaya naman, kung malawak ka,marami ka talagang iisipin kung bakit “hiram” ang pamagat ng aking isinulat.
Sobrang tagal ko nadin palang namahinga, halos hindi gumana ang utak ko sa pag susulat. Ang dahil nakapag sulat ako ngayon, ay marahil siguru may naiisip akong gustu kong sabihin. At dahil dyan, hindi koman alam ang patutunguhan ng isusulat ko, ay ayus lang, gustu kolang may masabi at parang gumagana ngayon ang aking isip hindi man tugma tugma ang aking mga salaysay.
Nagkaraoon lang akong idea ulit na magsulat noong nabalitaan kong may namayapang aktor sa abs-cbn na si AJ Perez. Napag nilay nilayan ko na “hiram” lang talaga ang ating buhay,na hindi natin alam kung kelan itu maisosoli natin sa may Likha. Actually, lagi kong naiisip na kelan kaya oras ko? Hanggang kelan kaya ako sa mundo? Nakakatakot peru dapat handa tayu sa maaring mangyare, at hanggang bata pa tayu, gumawa tayu lahat ng tama.
Sa nauusong mga social networking site nayan, halos nakikita natin lahat ng mga krimen, ako, lalo sa facebook, kung anu anung naapload na krimen,kung anu anu talaga na nakakatakot na mga aksidente, na talagang natatakot na ako at napapasaisip na kung ganun kasaklap ang aking pagkawala parang ngayon palang natatakot na ako… hays.. Kung anu anu talaga ang nasa isip ko na hindi dapat. Kasi diba nga, sabi nila kung oras mona, nasan kaman, anu man ang lahi mo, anu mang ang kulay mo anu mang ang ginagawa mo,kapag oras mona oras mona talaga.
Sobrang naaawa talaga ako sa mga batang binabawian na ng buhay, kasi parang hindi pa nila nakikita ganda ng buhay, at kung anu anu pa, peru hays.. uulitin ko nanaman, kung talagang ngang oras mona, oras mona.
Isang “hiram” na buhay na minsan lang natin magagamit, sana sa bawat oras, araw, minuto na nasatin, ay pahalagahan natin, sana magkaroon ng makabuluhang bago natin maisoli sa Kanya.
Isang “hiram” na hindi na natin maaring hiramin kapag ito ay naisoli na.
“Kung may mali po sa mga sinabi ko, ipagpaumanhin nyo” Salamat po.




tama ate hindi na siya maisosoli kea dapat nating sulitin at pakaingatang wag mabalewala at masayang…
hellloooo titooo! musta naman??
uu nga diba? hays.. ganun siguru talaga.
thnks tito!
opo..hehehe…tagal nating walang post..
)
oo nga eh, kaya etu nag post nadin kahit papano..
hi len! nakakamiss talaga magsulat! hayyy nawala narin ako sa mundo ng blogosperyo! pano ba naman blocked na pati WP sa ofis namin!
anyway, nakakaawa talaga yung nangyari sa young actor. we’ll never know kung hanggang kelan lang talaga tau maglalagi sa mundo kaya dapat sulitin natin at huwag kalimutang magpasalamat kay God! Godbless.
hiram… huhuhuhu
siguro nga medyo mahirap isipin kung anung dahilan ni Lord, bakit ipinapahiram niya sa atin ang mga bagay bagay ng ganun kaikli..
pero sa tingin ko .. kung anu man ung bagay na iyon…
kahit sa sobrang ikli ng panahong yun… nase serve niya ang purpose niya sa mundo…
bilang pangkaraniwang tao.. ( isa lang ang natutunan ko sa pagkamata nung person na yun: you have to live life to the fullest.. ) without regrets.. ad serve the best urpose out of it…
napadaan lang…
speaking of “hiram” pano maglagay ng music sa blog? di kasi effective ung copy paste sa videokeman.com
Nung nabalitaan ko na patay na si AJ Perez, isa lang ang tanong ko. “Sino si AJ Perez?”
Gusto ko din ang Breakeven.
si AJ kabayan ko yun taga legazpi.. 20 mins lang hawz nila samin.. hehe.. the man who cant be moved ang hanap ko..
akala ko hiram na pag-ibig….
Pabisita Miss Len.
Kung ipinahiram ang buhay sana nga ay ating alagaan itong mabuti upang matuwa ang nagpahiram.
Ako man Len nawala din sa blogosperyo…di ko makapag bloghop.
God Bless!
Welcome back sa pagbblog! Nsabi ko sa sarili ko anytime if me mangyari sa akin dapat ready n ko. Kung isusuli ko na hiniram ko…. kelangan n ngang magsauli.
hello Len, naks close, meron pala ako sinusulong na campaign ang animal crush video post. baka puwede kang gumawa ng post sampu ng iyong mga ka blogroll..
Great story, very much interesting!
sa totoo lang, temporary lang talaga lahat nung meron tayo. kasi aminin man natin o hindi, temporary lang naman ang stay natin sa mundo na to. one day, aalis din tayo, iiwan ang katawang lupa at pupunta sa may likha sa tin. sana nga gawin nating worthwhile ang stay natin dito sa lupa. gumawa ng mabuti sa kapwa at maging thankful sa bawat minutong pinahiram lang sa tin. .
nice post, len..