“Balikbayan box”, ito ang kalimitang tawag natin sa kahon na ipadadala ng ating mga mahal sa buhay galing sa ibang bansa. Ibat ibang bagay na nakalagay, damit, sapatos, aplayanses, at kung anu anu pa para sa mga kamag-anak, sa mga kapit bahay, kaibigan o kung sino sino pa.
Naalala ko nung bata ako,lagi akong nakakakita ng mga malalaking kahon na dumadating sa bahay ng lola ko, sa bahay ng tito ko galing sa ibang bansa, at tinatanong ko sa sarili ko, “ anuba yung mga yon, at bakit sila nagpapadala ng mga ganong bagay? Naisip ko pa noon, na kapag ba nangibang bansa ka, mayaman kana, dahil ang daming pinapadala sa pilipinas na nakalagay sa mga kahon, at ang tawag pa noon ay door to door. At lagi din akong nakakatanggap ng pasalubong galing sa kanila, sa tita at minsan sa mga kaibigan namin na galing ibang bansa. At naisip kodin na “ bakit sa ibang bansa pa sila bumibili ng mga gamit wala bang ganon sa pilipinas?
Isang araw, may dumating na sulat para sa lola ko, galing sa tito ko na nasa Saudi, masaya ang lola ko dahil sumulat ang anak nya, at maya maya, tinanong ng lola ko “ anak, anu daw ang gusto mong pasalubong galing sa tito amang mo?” . Ang saya saya ko, hindi nako mapakali sa kakaisip kung ano ba ang bilin ko, damit ba? Sapatos na kalimiting bilin sa mga OFW? Pero dahil mahilig akong makinig ng kanta, naisip ko noon na walkman nalang, at dahil yon palang naman ang uso noon. Maya maya, kumuha na ng bolpen at papel ang lola ko at tuloy tuloy na ang aming pagsagot sa sulat ng aking tito. Nakita ko ang lola ko na masaya na malungkot habang nagsusulat, hindi ko naman maitanong sa kanya kung ano ang nararamdaman nya dahil wala sa tabi nya at hindi nya kasama ang anak nya? Dahil wala pa akong masyadong muwang noon. Hindi ko pa noon maitanong kung ano ang pakiramdam ng may mahal na nasa malayung lugar o ibang bansa. Gusto ko ding tanungin sa tito ko kung ano ba ang pakiramdam kapag nangibang bansa ka? Ano ang mga bagay bagay na nararanasan o kaya naman nararamdaman na malayo ka sa pamilya?
Ilang buwan ang nakakalipas. Magulo sa labas ng bahay, parang may naghihiyawan! Yon pala, dumating na ang tito ko galing Saudi. Ang daming kahon, iba’t iba ang sukat, may malaki, at hndi kalakihan. Excited akong makita ang laman! Alam ko at ramdam ko na excited ang lahat sa laman ng kahon. Baka kasi nandon na ang pinabili ko sa tito ko na walkman. Hindi nako makaalis sa tabi ng kahon, syempre bata, binantayan ko talaga hanggang sa mabuksan kung ano ang nasa loob. Maya maya, tinawag na ang pangalan ko, na parang tumaya ako sa lotto at naghihintay sa resulta kung ako ay nanalo.. haha.
Simpleng bagay, pero ang saya saya ko, na tila ba yoon ang pinakamagandang bagay na natanggap ko noong bata ako. Mula noon, sabi ko sa sarili ko, kapag ako ay lumaki, papangarapin ko ding mangibang bansa, para maranasang makapagpadala ng kahon-kahong gamit sa pamilya ko. At para masagot ang tanong ko sa sarili ko na ano nga ba ang pakiramdam ng nangingibang bansa at malayo sa pamilya. At dahil hindi naman kami mayaman, at hindi lahat ng bagay nakukuha o nabibili namin, mas lumaki pa ang aking pangarap na mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya bukod sa isa o sampung kahon na maipapadala ko sa kanila.
At dahil sa walang sawa kong humingi ng tulong sa Maykapal, natupad ang aking pangarap na mangibang bansa dahil din sa tulong ng aking tita. Sobrang saya ko, dahil katatapos ko ng kolehiyo, napagbigyan ang aking kahilingan na makapagtrabaho sa ibang bansa, dahil matutulungan ko na ang pamilya ko, at bukod don, matutupad na ang pangarap kong makapagpadala ng “balikbayan box” sa kanila.
Ayan na, may malaking kahon sa harapan ko, nakabukas, tila bagang nagsasabi na” lagyan mo na ako ng laman”. Ready ko ng punuin ng gamit,para mapadala sa Pilipinas. Pero bakit ganon? Parang ayaw mong lagyan, naghahalong lungkot at tuwa ang nararamdaman ko? Parang gusto kong sarili ko nalang ang ilagay ko sa kahon upang makauwi ng Pilipinas. Upang makasama ko na ang aking pamilya, upang mahagkan ko na sila. Akala ko noon, napakadaling maglagay ng gamit sa malaki o maliit na kahon, napakahirap pala, hindi mahirap sa katawan, kung hindi, mahirap sa pakiramdam na sa tuwing ibinabalot mo ang gamit na ibibigay sa kanila, nasasambit mo ang kanilang mga pangalan na na tila bagang nangungulila ka, sa tuwing isusulat mo ang pangalan nila sa supot o sa kapirasong kahon para sa kanila, parang naiisip mo na sana kasama kang uuwi pabalik ng Pilipinas.
Akala ko din noon madaling mangibang bansa, at kapag nandon kana, madaling kumita ng pera. Hindi pala, ang daming bagay na dapat isakripisyo para sa pamilya. Mararanasan mo talaga ang mga bagay na dati ay hindi mo kaya, nandon ang pagtitipid, tamang pag gastos ng pera upang kahit papano tayung mga OFW ay may maipadala sa ating pamilya, upang kahit papano ay mabili natin ang gamit na minsan hindi nila nakamtan. Nandoon ang pakikitungo sa ibang lahi, at pansamantalang pag adopt sa kanilang kultura. Oo, nakaka inganyo pumunta at mag trabaho sa ibang bansa dahil kung iisipin, may ilang trabaho na malaki ang kita kumpara sa Pilipinas, pero hindi lahat ganon, mag sisimula talaga sa mababa hanggang sa makamit mo ang tagumpay ika nga. Pakikitungo sa mga ibang lahi na hindi natin alam kung ano ang nasa isip. Hindi gaya sa Pilipinas na mababait at madaling pakiusapan at pakibagayan ang mga tao. Akala ko din noon na ang mga bagay na pinapadala ng mga nasa ibang bansa ay wala sa Pilipinas, halos lahat pala ay mayroon, sinasabi lang na imported dahil sinabing “binili sa ibang bansa” pero kung iisipin, mas magaganda pa pala ang produkto ng Pilipinas na masasabi nating “imported” talaga dahil gawang pinoy at tatak pinoy! Naisip ko din na mahirap talagang mangibang bansa, lalo na at nag iisa ka, walang pamilya na dadatnan mo sa bahay, walang kapit-bahay na pwede kang makipag usap, at lalong wala tayong makausap sa ating sariling wika, at mas masasabi nating mas maganda ang kultura nating kinagisnan kaysa sa kanila.
Ang balik bayan box na ating sinasabi ay hindi lang basta kahon na may nakalagay na gamit, sapatos damit o kung anu-ano pa. Kalakip non ay ang walang katapusang pananalangin sa Taas at ating pagmamahal sa ating pamilya at upang maibigay ang mga bagay na ninanais nila. Isang kahon na punong-puno ng pag-asa, isang kahon na punung puno ng pagmamahal sa pamilya. Oo, ito nga ay kahon ng pag-ibig! At isang kahon na pag papaalala na kahit anong mangyari, uuwi at uuwi ako sa bansang aking sinilangan at aking kinilala.
Taas noo ako sa mga OFW na hindi padin kinakalimutan ang ating sariling wika at kahit anung mangyari sa atin hindi pa din natin nakakalimutang umuwi sa sariling bansa sa kabila ng pag sasakripisyo at pagkahiwalay sa mga mahal sa buhay.





Base ba ko? Wuhuuu!
At isa ka dun, girl! =)) Ay nako pangarap ko na ako naman ang makapagpadala ng balikbayan box! Thank you sa lahat lalo na nung panahong kailangan ko ng kausap, you were there to help me. =) Miss you and the blogging world!
Nagbabalik,
Joycee
Ei! how are u? i haven’t seen you often? ilang years na kitang hndi nakita, even sa fb.. musta na??
Yeah, anytime girl..
Miss u too girl, be safe..
Welkambak!
Sana nga ganun lang kadali na makita ng mga mahal natin sa buhay na nasa Pinas ung hirap na binubuno mapuno lamang ang isang kwadradong karton.
napadaan
tama, mahirap pa sa pakiramdam..
thnks!
Yehey tpos na..
Ewan b gnun tlg mga pilipino, generous tlg s mga mahal ntin.. ako nga kht wlng xtra money pg my nakitng pde ipadala s pinas bblhin, kaya nagka letse letse n! Ahaha. Pero masaya tlg s pkrmdam pag nppdala tyo ng box lalo n pag ntanggp n nla..
Gudluck sis.. mwahugs!
aku din sis, basta may mura na maganda, mag iisip nako kung kanino ko ibibigay at bibilin kona.. ganun talaga siguru tayu.. hehe..kaya etu letse letse nadin..:-)
Thanks sis, vote my entry! thnks..
nakaboto na ako.hehe.
thnks begeng!!!
Hi Len! Good lcuk sa iyong entry sa contest na ito. wala pa nga pala ang aking lahok para naman sa ibang category. hay marami talaga tayong nadi-discover na kakaiba na akala natin simple dati.
saka kahit na alam mo na yung isnag bagay pero kapag nararanasan mo na, may something pa rin na iba pa rin.
mabuhay and more power!
salamay sayu.. uu nga, ang daming pedeng salihan ngayon.. good luck din sa sasalihan mo!
ui, vote me naman sa PEBA.. thnks!!
mabuhay din!
nalungkot ako ng konti, pero i know na worth ang sacrifice basta para sa mga mahal natin sa buhay at pangarap.
goodluck,len!
Yup duking, sobrang worth lahat ng pinaghihirapan basta sa family..
Thanks duking!
Feel ko Len ang lahat ng iyong sinulat. Naandyan na rin ako sa sitwasyon na ganyan. Parehong-pareho.
Dati ako rin lang ang tumatanggap…ngayon nagpapadala na rin.
Dati andun lang nagpapaypay sa Pinas….ngayon nanginginig sa ibang lugar.
Dati pangarap kong tumira sa abroad….ngayon nga nagkatotoo na rin.
Yehey…boto ko ito! God Bless!
Thanks po Lolo, musta kana? miss u lolo!
Lahat nga po siguru ng mga nasa ibang bansa ganyan na ang nararamdaman gaya natin, akala nila na madali, peru mahirap din kung iisipin.
senxa na lo, hndi ako madalas makapag bloghop, tamad nadin minsan at busy naman din minsan, but still, hndi ko nakakalimutang dumalaw seo paminsan minsan.. hehe
Thanks Lo sa pag vote!
God Bless po! :*
nag-aabang ng balik-bayan box.
hehe.. ako din..
Reading this article made me sad Ate Len. Don’t get me wrong, I like it. Nalungkot lang ako ‘cos may plans din ako mag-ibang bansa few years from now. Sobrang mami-miss ko din family ko especially my mom. Self-admitted Mama’s boy ako e. LMAO. Ang drama ko. Lols.
Good luck po sa contest!
ui, dont be sad agad, hehehe..
well, sa una talagang mahirap, peru masasanay kadin, and sa una for sure, mafifil mo yung feelings namin na malulungkot ka talaga ng bonggang bongga, and u will think na sana hindi ka nalang umalis ng pilipinas, and kaw na nga may sabi na Mama’s boy ka.. hehehe.. ANyhow, its normal naman yun noh! kaya wag ka munang ma sad OK? hehe
Hoobert the Awesome, thnks! mwah!
nakarelate ako… para ngang gusto mo ilagay yung sarili mo sa kahon… masaya na malungkot…
tama, ganun nga ang pakiramdam..
Salamat po!
taas na ako sa mga kagaya mo bestfren, ang totoo ang tatapang niyo nga eh. hehehe. ^_^
Salamat besfren! Kapag kailangan, kelangan tapangan loob besfren eh.. hehe
thnks bes! miss u!
Hi Len, may point ka. Actually mas mura pa mamili sa pinas at madalas kaysa sa minsan, mas matibay pa ang mga produkto ng Pilipinas lalo kapag pang-export.
Maybe this would help you fix your PEBA banner on your sidebar: How to Maintain the Correct Proportion of the PEBA 2011 Banner on Your Sidebar
hehe, lumagpas pala.. hehe.. salamat!
yey, naayus kona! salamat po! hehe
Nice Writing…keep inspiring people despite of obstacles in life as an OFW.
woah! sir, welcome to my blog! hehehe..
Thanks sir!
Kailangan ko na mapuno ung Balikbayan box ko, malapit na mag December.. LOL.
Good luck po sa Entry nio!!
hehe, sige good luck din sa pag puno ng BB..
Good luck din sa entry mo..
nice post Len. Nakaka relate din ako dito. Masaya ang pakiramdam na napupuno mo na ang Balikbayan box mo para ipadala sa atin sa Pinas kasi bawat laman ng Balikbayan box mo, galing sa pawis at paghihirap sa pagta trabaho sa ibang bansa. Yun makita mo sa mukha ng mahal mo sa buhay ang tuwa habang binubuksan at pinapamahagi ang laman ng kahon ay talagang masarap sa pakiramdam. Keep it up!
Thanks kiko, yup, iba pakiramdam noh? walang pag sisisi, walang nararamdaman na pagod kapag nakapagbigay ka sa pamilya mo, kahit simpleng gamit lang na ibinalot sa papel, o plastik manyan, makikita mo sa mukha ng pag bibigyan mo na naalala natin sila, at nararamdam sa kanila ang pasasalamat at saya.. Nakakalungkot lang kasi minsan kailangan talaga nating humiwalay sa kanila para mag work. hays…
Thank Kiko, ready naba balikbayan box mo?? hehehe
di pa masyado ready kasi walang mabiling gamit sa mga grocery sa Bangkok dahil sa panic buying. Saka ipadala ko siguro pag tapos na ang baha baka kasi bahain yun storage nung nagpapa cargo na wag naman sana…
ows? talaga? as in panic buying na talaga? sa bkk ka diba? sa place nyu ba baha na? kami meju kinakabahan na, kasi malapit na ata kami bahain din.. Oo nga, baka pati mga balikbayan nyu maapektuhan pa.
ay, nasagot mona pala yung tanong ko kung binaha na kayu sa kabilang post, sige thnks. sana maging ok na yung place na naapektuhan.
Thanks!
Hi.. how nice naman ng blog mo.. question lang po? wala po bang sports category ang Peba?
retech
http://shuttlepen.blogspot.com
hi.. uhmmm, hndi kopo alam eh.. visit ka nalang sa site nila
thnks for dropping by!
ok po salamat titingnan ko na lang,,, salamat nga rin pala sa pag visit sa blog ko
NP!
Thanks too!