Paano koba uumpisahan ang aking drama? Ang tagal tagal kona namang hindi nakapag sulat, sobrang daming ginagawa o ginagawa kolang busy ang aking sarili? Wala lang, may magawa lang, at hindi ko alam kung anu patutunguhan ng istorya ko, wala lang may ma i-post lang..
Sa paglipas ng panahon, hindi natin namamalayan na naghihilom na pala ang mga sugat na nangyari satin sa ilang taon na nakaraan, may mga taong nagsasalba sa iyo sa pagkalungkot, taong dadaan o makikiraan sa buhay mo, o kaya naman may taong gustong mag stay para sayo, at may isang tao ka na mapagtutuunan ng atensyon, sa hindi mo sinasadya at sa hindi sinasadyang panahon. Pero mapapaisip ka nalang na, “sya na kaya?” O kaya naman, mapapaisip kadin na, ” hmmm, baka nagdaan o magdadaan lang siya at mawawala lang din na parang bula?” Pero sa araw araw na gusto nyang mag stay sa buhay mo, at sa pagbibigay mo ng atensyon, mapapaisip ka nalang din na, ” Ohmy, sya na nga ata!” Tama nga ata ang kasibihan na, “May darating na mas hihigit pa sa kanya” Masaya sa pakiramdam na sa haba ng panahon, nararamdaman mong maging masaya ulit, nararamdaman mong may taong nagmamahal sayo ulit, gigising ka ng umaga na masaya at may nakakausap araw araw kung kamusta ka sa maghapon.
Masaya dahil kusang ibinigay sayo na hindi mo naman inaasahan.
At higit sa lahat, wag mong hayaang ibang tao ang magsabi kung anung dapat sayo, kung sino ang bagay sayo, wag mong hayaang sila ang magdesisyon para sa sarili mo, kung masaya ka sa nararamdaman mo ngayon, ipagpatuloy mo, at sabihin mo sa sarili mo na kahit anung mangyari o mangyayari, huwag mong pagsisisihan ang desisyon na ginawa mo, dahil yoon ay ginusto mo. Yon ang akala mong tama sayo, kung mali man, isipin mo nalang na makakaahon kadin at lahat ng bagay ay may kadahilanan, kung bakit nangyari o kung bakit nangyayari. Makinig ka sa payo nila, pero wag mong hayaang sila ang magdesisyon para sayo. Ikaw ang gumagawa ng kapalaram mo, hindi sila. Kaya kung masaya ka sa taong nagpapasaya ng puso mo ngayon, sige lang, at we are hoping na tuloy tuloy na ang saya..
Kalakip ng ating saya, ay ang pagdarasal sa may Kapal na sana siya ang taong mag mamahal talaga satin, hindi tayo sasaktan at hindi tayo kayang iwanan. Sa pagbigay satin ng taong mamahalin natin, o mamahalin tayu, pahalagahan natin, wag nating sayangin ang bagay na handa nyang ibigay.
Happy Valentines Day! <3



Inlove ata ang sumulat nito ahaha.. pro un nga wlng perfct na relationship. Minsan masaya halos perfect na kaso nosebleed hnd na perfect ahahaha!!! Hamishu sis!!! Mwahugs!
haha, wala nga sis, but we are trying to be perfect.. pero kapag english na, patay nosebleed na.. hehe chos!!
hamishu sis too sis!!!!!!!!!!!!!!!! mwahugs!!